Sabado, Disyembre 29, 2012



Ang Alamat ng punong Balete
Isinulat ni: Shirlene D. Mandapat

Noon unang panahon sa isang malayong kaharian, may isang prinsesang nagngangalang Bal. Ang nag-iisang anak nila haring Abel at reyna Alice. Si prinsesa Bal ay hinahangaan ng maraming tao dahil sa kanyang angking kagandahan, may balingkinitang katawan, malaporselanang kutis, malambot at mahabang buhok na talagang kinaiinggitan ng mga kababaihan sa kanilang nayon. Sa kabila nang kanyang kagandahang pisikal, siya rin ay may ubod ng samang ugali. Palibhasa’y sunod sa layaw kung kaya’t lumaki siyang suwail sa magulang, mapang-api sa kapwa at mapanglait. Ngunit, kahit na ganito ang kanyang ugali ay pilit siyang iniintindi ng kanyang magulang at hinahangaan parin ng mga binata sa kanilang nayon.
Laging pinag-iinitan ni Bal si Etang, anak ng isa sa mga tagapagsilbi sa kanilang palasyo. Si Etang ay kabaligtaran ng ugali ni Bal. Kahit na siya’y madalas laitin ng mga tao dahil sa kanyang matabang katawan, maitim at magaspang na balat, mahaba ngunit napakatigas na buhok. Nanatili parin ang kabaitan sa kanyang puso.
Sa tuwing nagkikita ang dalawa’y, lahat na halos ng panlalait na maaaring sabihin ay nasabi niya na ng walang pakundangan. Pero patay malisya na lamang si Etang sa lahat ng panlalait na ginagawa ni Bal sa kanya. Isang araw, nagpang-abot ang dalawa sa hardin ng palasyo.
“Hoy Etang !!! iniiwasan mu ba ako ?” bulyaw ni Bal.
“Hindi po” sagot ni Etang
“Alam mo, malapit na ang kaarawan ko at magkakaroon ng  malaking selebrasyon para sakin” pagmamayabang ni Bal.
“Alam ko” ang sagot ni Etang.
“Buti na naman. Pero, pero, pero, magaganda’t gwapo lang ang gusto kong makasalamuha sa aking kaarawan. Kahit na inimbitahan nila ama’t ina ang lahat ng mga dalaga’t binata dito sa ating nayon.”
“Oh tapos?” tanung ni Etang.
“Kaya nagagalak akong sabihin sa iyong hindi ka maaaring pumunta sa aking kaarawan” pangungutyang sabi ni Bal.
“Alam ko iyon Bal. Huwag po kayong mag-alala hinding hindi ako pupunta.” Panghihinayang na sagot ni Etang. Kahit na gustong gusto ni Etang na pumunta, pinili niya na lang na hindi pumunta para walang gulo.
“At saka pala, wag na wag kang magsusumbong sa ama’t ina ko. Hindi dahil mabait sayo ang hari at reyna ay magpipiling pilingan ka na diyan”. Pahabol sa sabi ni Bal, habang lumalakad palayo habang humahalakhak.
Dumating na ang araw ng kaarawan ni Bal, ang araw na pinakakahihintay ng lahat ng mga dalaga at binata sa kanilang nayon. Naghanda ang lahat para sa pagdiriwang na iyon.  Sa pagdiriwang na iyon ay dumalo ang mangkukulam na si Coring, isang mabait na mangkukulam na naninirahan sa kanilang nayon. Nagpunta ang mabait na mangkukulam upang malaman kung totoo ang nabalitan niyang pagmamalupit ni Bal kay Etang. Hindi inaalis ni Coring ang kanyang mata kay Bal, na masayang nakikipagsayaw sa mga bisitang lalaki. Ngunit, habang nakikipagsayaw si Bal ay nakita niya si Etang na nasa pintuan ng kuwarto kung saan ginaganap ang pagdiriwang. Patingin tingin si Etang sa mga bisitang nakikipagsayaw. Nilapitan ni Bal si Etang at kinaladkad papunta sa hardin. Sinundan naman sila ng mangkukulam na si Coring.
“ Bakit ka nandun? Diba’t sinabi ko na sayong wag na wag kang pupunta sa aking kaarawan!” pasigaw na sabi ni Bal.
“Hindi naman po ako nagpunta mahal na prinsesa” ang sagot ni Etang.
“Anung hindi? Nakita nga kita di ba? Ano ako, bulag?” galit na sabi ni Bal. Itinulak ni Bal si Etang .
“Buwisit ka talaga!” bulyaw ni Bal kay Etang.
“Patawarin mo po ako prinsesa Bal. Hindi ko na uulitin.” Pagmamakaawa ni Etang. Ngunit sinampal ni Bal si Etang. Lumapit si Coring sa kanilang dalawa.
“Sadya nga talagang napakasama ng iyong ugali.” wika ni Coring.
“At sino ka naman para pagsalitaan ako nang ganyan? Eh isa ka lang namang hamak at walang kuwetang mangkukulam.” Pagmamalaking sabi ni Bal.
“Nasaksihan ko ang lahat ng iyong ginawa. Ito ang iyong tatandaan mo, mahal kong prinsesa. Pagsisisihan mo ang lahat ng iyong panlalait at pang-aaping ginawa sa batang ito. Dahil lahat ng iyong sinabi sa kanya ay babalik sa iyo.” Ang sabi ni Coring sa prinsesa. At iniwan nilang dalawa si Bal sa hardin na halos hindi makagalaw.
Nang matapos ang kasiyahan, saka lamang napansin ng hari at reyna na wala ang kanilang anak. Aligagang-aligaga ang mga tagapagsilbi ng sa palasyo sa paghahanap kay Bal. Nang sumapit ang umaga, pinuntahan ni Etang ang lugar kung saan nila iniwan si Bal. At nakita niyang may halamang tumubo rito. Agad agad na pinuntahan ni Etang ang hari at reyna upang sabihing naging halaman si Bal dahil sa sumpa ni Coring. Sobrang nalungkot ang reyna sa pagkawala ni Bal ngunit ang hari ay di nakitaan ng pag-alala at pagkahabag sa pagkawala ng kanyang anak. Dahil alam nitong ito ang nararapat na parusa sa kanyang anak na suwail at mapang-api sa kapwa. Sinabi ng hari kay Etang na alagaan niya ang punong iyon. At pagkalipas ng ilang buwan lumaki ang puno at nagkaroon ng marami at matatabang ugat at may baging na napakalaki’t napakatigas at nakakatakot ang anyo kung kaya’t walang lumapit dito kundi si Etang lamang. Binigyan ni Etang ng pangalan ang punong iyon, na isununod niya sa pangalan nilang dalawa kung kaya’t tinawag niya itong Balete.


“You can get a thousand no's from people, and only one "yes" from God.”

Huwebes, Disyembre 13, 2012

ANG PAGSIBOL NG IMPERYONG ROMANO (banghay aralin)





Takdang-Aralin
1.    Ipaliwanag ang mga sumusunod:
·         Plebeian
·         Patrician
·         Senado
·         Triumvirate
·         Pax Romana
2.    Anu-ano ang nagin kontribusyon ng Roma sa sumusunod na larangan:
·         Libangan
·         Agham
·         Batas
·         Literature
·         Arkitektura
3.    Gugustuhin mo bang makapaglakbay sa Roma kung bibigyan ka ng pagkakataon? Bakit?



Pagsusulit:

Nakalahad sa ibaba ang isang dagdag na impormasyon. Upang malaman ang tinutukoy na sasakyang pandagat na ginamit ng mga Romano, sagutin ang sumusunod na katanungan sa ibaba.

_  _  _  _  _  _  _  _  _  _  _
1     2     3     4     5     6     7    8     9     10  11

Ito ay isang sasakyang pandagat na ginamit ng mga Romano laban    sa mga Carthagenian sa kanilang Punic War at ito ay may 100 na palapag.

SAGOT:       QUINQUEREME


Sa hanay A ay ang mga katanungan na kinakailangan mong sagutin upang malaman mo ang tinutukoy na sasakyang-pandagat sa itaas. Sa hanay B naman ay ang iyong mga pagpipilian. Bawat pagpipilian ay mga katumbas na letra, isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa patlang.



Hanay A


1.       Pangkat ng mga tao mula sa Asya Manor na sinasabing lubos na nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga Romano.
2.   Urin ng pamahalaan kung saan nasa kamay ng taong inilahalal ng mamamayan ang kapangyarihan.
3.   Sila ang pangkat ng mga karaniwang tao sa lipunang Romano.
4.   Unang talaan ng mga nakasualt na batas ng mga Romano.
5.   Ang Punic War ay naganap sa pagitan ng Rome at __________.
6.   Isang dakilang heneral ng mga Carthanenian.
7.   Ito ay binuo nina Caesar, Pompey, Crassus
8.   Kinilala siya bilang Augustus.
9.   Kinilala bilang pinakahuling mabuting emperador  ng Roma.
10. Ang may akda ng Iliad at Odyssey.
11. Ang relihiyong hango sa buhay at aral ni Hesus





        Hanay B


                   r.           Octavian
                   e.1         Kristiyanismo
                   e.2       First Triumvirate
                   m.         Homer
                   i.           Plebeians
                   q.1        Mga Etruscan
                   u.2        Hannibal
                   q.2        Carthag
                   u.1        Republika
                   n.          Twelve Tables
                   e.3     Marcus Aurelius



                   Mga sagot:
1.   q.1
2.   u.1
3.   i
4.   n
5.   q.2
6.   u.2
7.   e.2
8.   r
9.   e.3
10.  m
11.  e.1





BANGHAY-ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May-akda
N/A
Pamagat ng Aralin
Ang Pagsibol ng Imperyong Romano
Durasyon
45 na minuto
Lugar
Silid-aralan
Asignatura/Yunit
Araling Panlipunan
Baitang
Baitang 9
Mga Layunin at Pagtataya
Mga Layunin
·         Mailalarawan ang sibilisasyon ng Sinaunang Roma;
·         Matatalakay ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglawak ng Imperyong Romano;
·         Masusuri ang mga naging krisis sa Republikang Romano;
·         Mailalarawan ang Imperyong Romano at ang mga namuno dito;
·         Maibibigay ang mga kadahilanan ng pagbagsak ng Imperyong Romano;
·         Maipapaliwanag kung paanong lumaganap ang Kristiyanismo sa lupain ng mga Romano; at
·         Mapahahalagahan ang naiambag ng Imperyong Romano sa daigdig
Pagtataya
  • Pangkatang Gawain
  • Pagsusuri
  • Takdang-aralin
Paghahanda
Materyales
  • Visual aids (mga larawan at isinulat na visual aids)
  • Handouts  
Paghahanda ng mga Mag-aaral
·         Pagbabasa ng mga impormasyon na may kinalaman sa sinauang sibilisasyon ng mga Romano
Paghahanda ng mga Guro
·         Paghahanda ng mga materyales at mga gawain na makakatulong sa pagtuturo
·         Pangangalap at pag-aaral ng mga impormasyon na may kinalaman sa aralin

Mga Gawain
Mga Gawain ng mga Mag-aaral
 I-pangkat ang buong klase sa pitong (7) grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng gawain at ilalahad sa klase ang nagawa nila. Ang mga gawain/katanungan ay:
  1. Ituro ang lugar ng Roma sa mapa ng Italya at ilarawan ang topograpiya nito batay sa mga larawang nakapaskil.
  2. Alamin ang mga pagkakaiba ng mga mayayaman at pangkaraniwang mamamayan. Ilarawan ito batay sa karapatang natatamasa nila.
  3. Ano ang nagpapalakas sa isang hukbong sandatahan ng isang bansa at ano ang maaaring maging dahilang ng paghina nito. Ilahad ang iyong kuro-kuro at opinion.
  4. Paano nakakaapekto sa isang lipunan/bansa ang mga sumusunod:
·         Mahinang pamumuno
·         Lumalalang kondisyong pang-ekonomiya
·         Tunggalian ng iba’t-ibang uri ng tao sa lipunan.
5.   Paanong  nakakaapekto sa pamumuno ng isang bansa ang relihiyon.
6.   Batay sa impormasyong nakalahad sa ibinigay na handout, ilarawan ang naging kontribusyon ng Imperyong Romanso sa mundo. Nakikita ba natin ito sa ating lipunan sa kasalukuyang panahon?
7.   May mga libangan pa ba sa ngayon na katulad ng sa Romano noon? Anu-ano ang mga ito? Ano naman ang mga layunin ng mga ito ngayon?
o         

Mga Gawain ng mga Guro
·         Maghanda ng mga gawain para sa mga mag-aaral
·         Magbigay ng mga malinaw na mga instruksyon/direksyon sa mga Gawain ng mga estudyante
·         Tulungan ang mga estudyanteng may katanungan
·         Mag-bigay ng takdang-aralin upang malaman ang pang-unawa ng mag mag-aarala sa aralin.
·         Magbigay ng maikling pagsusulit upang tayain ang kaalaman ng mga mag-aaral
·         Magbigay ng ilang katanungan upang malaman ang estado ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa aralin.
o   Saang bansa matatagpuan ang Roma?
o   Ano ang mga naging dailan ng pagbagsak ng Roma?
o   Sino-sino ang mga nakatulong sa pag-usbong ng Imperyong Romano?
o   Sino-sino ang naging dahilang ng pagbagsak ng imperyong Romano?
o   Saang mga aspeto makikita ang mga ambag ng imperyong Romano?
o       

                                                                   Inihanda nina:


                                                                   Shirlene D. Mandapat                                                                                Carla Joyce B. Navarrete
                                                                             (Mga Guro)


Sinuri ni:


SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punong-guro